“LUMALAWIG NA PAG-AAYUNO” vs. BNPP

(MATAIMTIM NA KAHILINGANG IGAWAD ANG LIWANAG NG KATINUAN AT NG KARANGALAN SA USAPIN NG MULING-PAGBUHAY SA LUBHANG MAPANGANIB AT LUBHANG MAGASTOS NA PROYEKTONG PLANTANG NUKLEYAR SA BATAAN.)


Simula ngayong ika-9 ng Abril, makasaysayang Araw ng Bataan, at banal na Araw ng Huwebes Santo ng kasalukuyang taon, at sa mga araw na kasunod pa nito, kaming nakalagda sa ibaba ay kusang-loob na nagdaraos ng LUMALAWIG NA PAG-AAYUNO upang humiling ng liwanag ng karangalan, katinuan at katalinuhan na makapagpapatigil sa karamihan ng mga mambabatas sa sa ginagawa nilang pagtataguyod ngayon sa muling-pagbubuhay sa lubhang mapanganib at lubhang magastos na proyektong Plantang Nukleyar sa Bataan o BNPP, nang wala man lamang pagbubunyag, pag-aaral, at pagsasaalang-alang sa makapal na opisyal na siyentipiko at teknikal na dokumentasyon sa ilampung libong depektong natuklasan sa plantang naitayo. Iresponsableng pagsusugal ito sa buhay, kaligtasan, kalusugan at kapanatagan namin at ng aming mga anak, at ng isisilang pang mga salinlahi. Ipinasya naming gawin ito upang humiling ng dagdag na liwanag ng kaalaman, tapang at katatagan ng mamamayan upang pigilin ang mga kinatawan ng kani-kanilang mga distrito sa ganitong kriminal na iresponsibilidad. At ipinasya naming gawin ito upang humiling din ng liwanag ng dagdag na katatagan sa katinuan at kabayanihan ng kakaunti pa ngayong mambabatas sa Kongreso na tumututol sa binabalak isabatas ng mayorya ng mga kasapi nito.

Bawat isa sa amin ay nagpapanata ng pitong araw na pag-aayuno, at sa bawat isa’y maaaring mabawasan ng araw na ipag-aayuno kung ang bawat araw na ibabawas ay tutubusin ng isang kalahok na magpapanata rin ng pitong araw na pag-aayuno, sa isang sistema ng pagdudugtungan at pagdami ng mga mag-aayuno, na tiyak na ikalalawig nito.

Tatapusin namin ang ayunong lumalawig sa sandaling ilabas ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang isang opisyal na pahayag na hindi na tatanggapin ang HB 4631 o anupamang panukalang batas na nagtatakda ng pagbubuhay muli sa plantang nukleyar. o sa sandaling ilabas ang isa man lamang opisyal na pahayag na ititigil ang anumang pagtatalakay nito sa Kapulungan habang hi-nahanap, ipinalalaganap at pinag-aaralan pa ng lahat ng mga kasapi ng Kapulungan ang siyen-tipiko at teknikal na dokumentasyong ipinagawa at ginastahan na ng Republika ng Pilipinas.

Habang walang pormal na inilalabas na alinman sa ganitong mga opisyal na pahayag ay itutuloy namin ang pagpapalawig ng ayunong ito sa Morong, Bataan at sa iba’t ibang dako ng kapuluang Pilipinas -- laluna sa mga distritong kinakatawan ng mga kongresistang maka-BNPP -- at saanmang iba pang bansa na mayroong mga Pilipinong nagmamalasakit sa mga kababayan dito sa ating lupang tahanan.

Kasihan nawa kami ng Bathalang Maykapal!

1. Prof. Ed Aurelio C. Reyes, edukador at may-akda ng maraming aklat sa iba’t ibang tema at paksa; residente ng Subic, Zambales na di-kalayuan sa Morong, Bataan; Pasimuno at Punong Tagapagsalita, Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan); at Kalihim-Pangkalahatan ng Pamayanang SanibLakas ng Pilipinas

2. xxx xxx

Sumisimpatiya kami at nagtataguyod din sa panalangin ng mga nagsasagawa ng “Lumalawig na Ayuno” laban sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

1.

2.

(Sa bawat buong araw ng pag-aayuno, ang kalahok ay kakain lamang ng isang magaang na tanghalian, halimbawa’y dalawang malasadong itlog na may crackers o kaunting kanin o anumang katumbas nito, nang walang anumang limitasyon sa iinuming tubig o anupamang malabnaw na likido. Ang pag-aayuno ng sinumang kalahok ay dapat magpalaganap ng mga datos ukol sa isyung ito at dapa iparating sa mga tagapag-ulat ng mass media sa kani-kanilang pook ng pag-aayuno.)


Please send all feedback to us via the FEEDBACK BOX or send an email to saniblakas.foundation@yahoo.com

balik sa pinagmulan

 

FEEDBACK BOX:

   What are your comments and questions?

Your Name &Nickname:

(Answer Required)

Position: 

Organization, Office,

School or Barangay

or country of location

Answer Required)

Postal / E-mail Address(es)

(Answer Required

Personal or work 

background relevant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->
            

back to top.