Batayang mga Gawain:
1. MAGPAKA-TAO:
Kilalanin, mahusay na gamitin at alagaan ang lahat mong
yaman (talino, kalusugan, kalikasan, pagsasamahan,
materyal na yaman); sikapin na makayanang tugunan ang
lahat mong matugunan, upang makamit ang ginhawa at ang
kaganapan bilang TAO na katunaya’y ‘Kislap ng Bathala.’
2. MAKIPAGKAPWA-TAO:
Makipamuhay nang may ganap na paggalang at malasakit;
magsanib-sanib ng mga kakayahan, para mapag-ibayo, kahit
iba-iba, sa pamamagitan ng unawaan, tulungan, masiglang
tangkilikan ng mga pamayanang patas at may angking lakás,
Kaisahang buháy at dakila.
3. MAGSIPÁG:
Bahagi ng pag-aalaga at mahusay na paggamit sa mga
kakayahan ng kalooban, isip at katawan ang hindi
pagiging kuripot sa paggamit ng mga ito para magkaroon
ng kakayahang bumangon sa mga problema at limitasyong
kinalalagyan, at upang huwag itong maglaho dahil di nga
di paggamit.
Tatlong Gawain ng Aktibong May-tayâ:
4. MAGPAKATATÁG:
Tatatag ka bilang mulat na maytaya sa pamamagitan ng
tuluy-tuloy na pag-aaral sa mga kalagayan at patunguhan
na ikaw at ang marami pa (kasama na ang susunod na mga
henerasyon) ay may-taya; tatatag ka bilang aktibong may-taya
kung mapalalakas mo ang personal na integridad na
tumangging isakay ang iyong pag-asa sa pagginhawa sa
pagsisikap lang ng iba, ibig sabihi’y iwasan ang tukso
na maging oportunista dahil lang sa takot na
magsakripisyo na mag-ambag sa pagsisikap para sa
sama-saang kapakanan.
5. MAGPARAMI:
Ang isang tunay na aktibong may-taya ay tiyak na
makakaimpluwensiya ng malalapit sa kanya na gumaya at
maging aktibo rin. Pagsisikapan mong maging epektibo sa
mga pagpapaliwanag upang mga kausap mo’y ay epektibo
ring makapagpaliwanag sa iba pa. Sa pamamagitan ng
sariling buháy na halimbawa, tuturuan mo rin sila ng
matatag na determinasyon sa gawain.
6. MAHIGPIT NA MAG-UGNAYAN:
Maraming-marami na rin ang mga aktibong may-taya sa
kapakanan ng ating inang Bayan, pero di sila sapat na
nag-uugnayan, di nagsasanib-lakas, o di nagtutulungán
nang may sapat na tagal at nagkakaroon na ng mga hidwaan
sa kai-kaibhan ng pananaw sa pamamaraan, struktura,
paglilikom at paggamit ng pananalapi, kung sino ang
dapat pinuno, atbp. Nalilimutang ang pinagkakaisahang
mga layunin ay dapat laging mangibabaw sa mga ugnayan at
dapat ay laging buháy ang ugnay sa lahat.
Mga Gawain sa Pagbubuo ng Bansa:
7. MAGTALASTASAN:
Palagiang magpalitan ng mga kaalaman at mga pananaw at
pagsanib-sanibin ang mga ito upang mahanap ang totoo.
Maging maingat sa bawat sasabihin—pag-ibahin ang mga
tiyak at malamáng sa mga tantiya, haka-haka at hula.
Maging mapagtiwala at katiwa-tiwala.
8. MAGTANGKILIKÁN:
Palagiang magsuportahan sa mga pagsisikap na
pangkabuhayan ng bawat isa para sa kapakanan ng lahat (‘kapala’).
Please send all feedback to
us via the FEEDBACK BOX or send an email to
saniblakas.foundation@yahoo.com |